--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong katap ang nasugatan sa nangyaring aksidente sa pagitan ng dalawang motorsiklo sa Centro East, Santiago City.

Ang mga nasugatan ay sina Macario Mendoza ,46 anyos, may-asawa, construction worker at residente ng Brgy. Ambalatungan, Santiago City, Florante Banglay, 34 anyos at Mary Ann Martinez.

Binabagtas ng Motorsiklong na minamaneho ni Banglay angkas si Martinez ang kahabaan ng lansangan sa Centro East, Santiago City nang biglang lumitaw ang motorsiklong minamaneho ni Mendoza.

Nagkabanggaan ang dalawang motorsiklo dahilan upang magtamo ng malaking sugat sa paa si Mendoza, malalang sugat sa katawan naman ang natamo ni Banglay habang si Martinez ay sugat sa paa ang kanyang natamo.

--Ads--

Ang biktima ay nilalapatan pa rin ng lunas sa isang pagamutan sa Santiago City.