--Ads--

CAUAYAN CITY– Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property ang isang Engineer matapos masangkot sa aksidente ang kanyang sasakyan at nabangga ang kasalupong na motorsiklo District 1, Cauayan City.

Ang mga biktima ang drayber ng motorsiklo ay si Ryan Battulayan, 22 antos at kaangkas nitong si Ryza Vinasuy, 21 anyos, may-asawa at kapwa residente ng Dangan Reina Mercedes, Isabela.

Ang tsuper ng kotse ay si Engineer Wilbert Domingo, 47 anyos at residente ng Sampalok, Cabatuan, Isabela

Sa paunang pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station patungong Norte ang dalawang sasakyan habang binabagtas ang kahabaan ng pambansang lansangan sa District 1, Cauayan City.

--Ads--

Nag-overtake ang kotse sa sinusundang sasakyan ngunit nabangga niya ang motorsiklong nasa outer lane ng lansangan.

Nagtamo ng gasgas sa katawan ang tsuper at angkas ng motorsiklo na agad namang isinugod sa pagamUtan para malapatan ng lunas.

Napag-alamang positibo sa nakalalasing na inumin ang drayber ng kotse na si Domingo.