--Ads--

CAUAYAN CITY -Nagpapakawala ang National Irrigation Administration (NIA) ng tubig sa Magat Dam sa Ramon, Isabela dahil pagpasok ng malaking volume ng tubig bunga ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa mga watershed areas.

Sa natanggap ng Bombo Radyo Cauayan na abiso mula sa NIA Magat River Integrated Irrigation System, mula sa 200 cubic meters per second na unang pinakawalan ay posibleng tumaas pa depende sa lakas ng ulan sa mga watershed areas pangunahin na sa mga lalawigan ng Ifugao at Nueva Vizcaya..

Ang water elevation ngayon ng Magat Dam reservoir ay 189 meters, 4 na metro na lamang para marating ang spilling level na 193 meters.

Pinayuhan ng National Irrigation Administration ang mga nakatira malapit sa Magat River na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog para maiwasan ang panganib na dulot ng pagtaas ng water level ng ilog.

--Ads--