--Ads--

CAUAYAN CITY- Dalawang lalaki ang pinatulog sa Station one ng Santiago Cty Police Office dahil sa kalasingan.

Unang dinala sa himpilan ng pulisya dahil sa kalasingan si Junjun, Rosete42 anyos,may-asawa magsasaka at residente ng Naggasican, Santiago City.

Umuwing lasing si Junjun sa kanilang bahay at inaway saka sinaktan nito ang asawa na nagsumbong sa mga opisyal ng barangay.

Dahil hindi mapahinto ng mga opisyal ng barangay ang magsasaka ay itinawag na nila sa mga pulis ng Station One at pinatulog sa himpilan ng pulisya.

--Ads--

Ang pangalawang dinala sa himpilan ng pulisya ay si Rolando Cayetano, 33 anyos, may-asawa, isang tsuper ng tricycle at residente rin ng Naggasican, Santiago City.

Dahil sa kalasingan ni Cayetano ay hindi alam kung saan uuwi at kung saang saang compound pumaparada .

Dahil sa takot ng mga nakakita ay sinumbong sa mga pulis at pinatulog na lamang sa himpilan ng pulisya.