--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa na namang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng mga alagad ng batas sa San Roque Extention sa Plaridel, Santiago City.

Nadakip sa Roque Extention Brgy. Plaridel Santiago City ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit, City Drug Enforcement Unit, PDEA Region 2 at Station 2 ng Santiago City Police Office sa pangunguna ni P/Chief Insp. Melanio Vinuray, ang station 2 commander si Abel Gamiao, 51 anyos at residente ng barangay Uno, San Mateo, Isabela.

Nasamsam mula kay Gamiao ang isang maliit na supot na hinihinalang may lamang shabu, Php1,000.00, isang cellphone, isang motorsiklo at Php800.00 na nasa kanyang bulsa.