--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinaga ng isang magsasaka ang kanyang kabarangay makaraan siyang suntukin sa ulo sa Tumauini, Isabela.

Ang biktima ay si Robin Pauig, 38 anyos, may-asawa, walang trabaho at residente ng Moldero Tumauini, Isabela.

Ang suspek ay si Mariano Francisco, 35 anyos, may-asawa, magsasaka at kabarangay ng biktima.

Ang biktima ay nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin nang makita nito ang suspek na naglalaro ng baraha at bigla nitong sinuntok sa ulo.

--Ads--

Kaagad umalis ang Franciso at kumuha ng mahaba at matalim na armas at tinaga ang kanang kamay ni Pauig na agad dinala sa pagamutan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Tumauini Police Station na may dati nang alitan ang suspek at biktima.