--Ads--

CAUAYAN CITY- Ikinabahala ng pamunuan ng 5th Infantry Division Phil. Army ang mga batang sumasapi sa mga kasapi ng New People’s Army na ginagawa nilang mandirigma sa kanilang nasasakupan

Magkatuwang ang mga sundalo at pulis sa isinasagawang information drive o dalaw turo sa mga paaralan na mayroong temang ‘ Right information is the best weapon against Deception’

Sa panayam ng Bombo radyo Cauayan inihayag ni Sgt. Benjie Maribbay ng 86th Infantry Batallion ng 5th ID na halimbawa na lamang ng mga ginagawa ng mga NPA na pag-recruit ng mga bata pawa gawing mandirigma ay ang sumukong si Ka trese sa lalawigan ng Mountain Province kung saan sumanib sa mga rebelde noong 13 anyos at kamakailan lamang ay sumuko sa edad na 16.

Ito ay bukod pa sa sumukong si Ka Noel na residente ng Tabuk City, Kalinga na sumanib naman sa NPA noong siya ay 12 anyos.

--Ads--

Napunta anya ang mga kabataan sa panig ng NPA dahil sa kakulangan ng mga impormasyon ukol sa rebeldeng pangkat.

Dahil dito ay puspusan na ang kanilang ginagawang information drive sa mga mag-aaral na nasa liblib na lugar na nasasakupan ng 5th Infantry Division upang mai-iwas silang sumapi sa NPA.