--Ads--

CAUAYAN CITY– Binigyang pagkilala at pinagkalooban ng tig-Php100,000.00 ang dalawang Centenarian na residente ng Casala, San Mariano, Isabela.

Ang mga binigyang pagkilala at cash na Php100,000.00 sina Lola Dominga Mac-ulhi at Lola Maria Taguiling kapwa 101 anyos at kapwa residente ng nasabing lugar.

Ang Centenarian Certificate na ipinagkaloob sa dalawang centenarian ay nilagdaan nina kay Pangulong Rodrigo Duterte at ng Regional Director ng DSWD region 2 at personal na iniabot ng mga opisyal pamahalaang lokal ng San Mariano.

Ang pagkakaloob ng cash ay bilang pagkilala sa mga nakatatandang pilipino, pagpapahalaga sa kahanga-hanga nilang karanasan at mga tagumpay sa buhay.

--Ads--

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan sa mga anak dalawang centenarian na sina Rosa Ligmayo at Maria Taguiling kanilang sinabi na ngayong matanda na ang kanilang mga magulang ay sila naman ang mag-aasikaso sa kanila.

Noong panahon anya ng kalakasan ng dalawang centenarian ay asin lamang at luya ang kanilang inirerekado sa kanilang ulam at hindi gumagamit ng pampalasa ng pagkain.

Pangunahin anya nilang kinakain ay gulay at paminsan minsan lamang na mag-ulam ng karne.