--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumanggap ng pagbabanta sa buhay ang tatlong kasapi ng Forest Protection Group sa Ilagan City mula sa anak ng naaktuhan ng mga pulis na nagmamay-ari ng mga pinutol na punongkahoy.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PO2 James Patalittan, imbestigador ng Ilagan City Police Station, ang mga nagsumbong na pinagbantaan ang kanilang buhay ay sina Camilo Barasi, Eduardo Molina at Arnold Mendoza na pawang residente ng Ilagan City

Anya noong July 28, 2018 ang suspek si Ronald Bumalod, residente ng Ilagan City at apat na kalalakihan ang pumasok ng walang pahintulot sa monitoring checkpoint ng 3 biktima at sila’y pinagbantaan.

Nag-ugat ang pagbabanta ng suspek sa mga biktima makaraang masabat ng tatlo ang isang isuzu closed van na naglalaman ng mga illegal na pinutol na punongkahoy na pagmamay-ari ni Gng. Siony Bumalod na ina ni Ronald.

--Ads--

Inihayag pa ni PO2 Patalittan na nakikipag-ugnayan na ang tatlong kasapi ng Forest Protection Group sa kanilang abogado sa pagsasampa ng kaso laban Ronald Bumalod

Masasampahan naman ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 ( anti-illegal Logging law) sina Ronald Bumalod, tsuper ng nasabing van, Siony Bumalod ang may-ari illegal na pinutol na punongkahoy at ang may-ari ng Isuzu closed van na si Francisco Agbuya.