--Ads--

CAUAYAN CITY – Pormal nang kinasuhan sa tanggapan ng piskalya ang tatlong kalalakihan na nasamsaman ng hinihinalang shabu sa magkakahiwalay na drug buy bust operation sa Santiago City.

Ang mga kinasuhan ay sina Abel Gamiao ,50 anyos, residente ng Barangay Uno, San Mateo, Isabela; Alrajie Accad, l18 anyos, residente ng Plaridel, Santiago City at Mark Angelo Garcia, 23 anyos , binata, isang laborer at residente ng Rosario, Santiago City

Ang tatlong pinaghihinalaan ay nasamsaman ng tig-isang sachet ng hinihinalang naglalaman ng shabu at marked money sa magkaka- hiwalay na drug buy bust operation ng pulisya sa Santiago City.

Nagpositibong shabu ang mga nasamsam sa tatlong suspek makaraang isailalim sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory.

--Ads--

Ang tatlong suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).