--Ads--

CAUAYAN CITY – Ikinatuwa ng pamunuan ng Police Regional Office Number 2 ang voluntary submission ng mga opisyal at kasapi ng Barangay Anti Drug Abuse Council (BADAC) sa Echague, Isabela na sumailalim sa drug test.

Ito ay kasabay nang isinagawang Mass oath taking at Capability Enhancement Seminar sa mga bagong opisyal at kasapi ng BADAC at naging panauhing pandangal dito si P/Chief Supt. Jose Espino, Regional Director ng Police Regional Office number 2.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Supt. Espino na kanyang ikinatuwa ang voluntary submission ng mga opisyal at kawani ng BADAC na sumailalim ng drug test bilang pagpapatunay na hindi sila gumagamit ng illegal na droga.

Sa mga nakalipas na mga buwan ay naging aktibo ang mga kasapi at opisyal ng BADAC sa pagsugpo ng illegal na droga at nagkaroon muli ng paghalal ng mga opisyal ng BADAC dahil sa katatapos na barangay election.

--Ads--

Pangunahin anyang objective ng mga itinatag na BADAC ay para maideklarang drug cleared na ang kanilang barangay at tiyaking wala nang makakapasok na drug personality sa kanilang nasasakupan.