--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinasakamay ng mga opisyal ng barangay sa Aritao Police Station, Nueva Vizcaya lalaking kasapi ng budol budol gang na nambiktima ng isang Senior Citizen

Ang suspek ay si Juan Celis, 34 anyos na residente ng San Fabian, Pangasinan habang ang biktima ay si Jolly Villegas, 84 anyos na residente ng Aritao, Nueva Vizcaya

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni P/Chief Inspector Giovanni Cejes, hepe ng Aritao Police Station na agad idinala ang suspek matapos madakip sa isinagawang entrapment operation ng mga opisyal ng barangay nang matuklasan ng mga anak ng biktimang ang panloloko ng suspek.
Nakatakas ang tatlong kasamahan ng suspek sakay ng pulang revo.
Nauna rito ay pinagbentahan umano ng mga suspek ang biktima ng LPG safety regulator device noong Marso, 2018 sa halagang Php25,000.00.
Hunyo, 2018 nang inspeksyunin ng suspek ang safety regulator device at hiningan ng Php41,000.00 ang biktima para sa pagpalit ng panibagong LPG safety regulator.

Umamin naman ang suspek na kawani siya ng isang Distributor ngĀ  LPG regulator sa San Carlos City, Pangasinan at matagal na umanong gawain ang panloloko.

--Ads--