--Ads--

CAUAYAN CITY- Ibayong pinag-aaralan ng deped schools division sa Ilagan City ang kultura ng mga indigenous people (IP) tulad ng mga agta at ibanag upang maipatupad ang mga kailangang hakbang para sila ay ibayong matuto sa kanilang pag-aaral.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Cherry Ramos, Schools Division Supt. ng DepEd Ilagan City na bilang bahagi ng pagdiriwang ng national indigenous people’s education (IPED) month, binibigyan ng konsiderasyon ang kanilang kultura kaya espesyal ang kurikulum para sa kanila kung ihahambing sa mga regular na mag-aaral.

Grupo ng agta at ybanag ang kabilang sa mga IP student sa lunsod.

Tatlumpong bahagdan ng mga ilaguenios ay ybanag habang maliit na bilang lamang ang mga agta.

--Ads--

Sinabi ni Dr. ramos na hindi regular ang pagpasok sa paaralan ng mga IP student kayat patuloy ang kanilang paglapit sa kanila para magbahagi ng kaalaman.

Katuwang nila ang mga IP’s na nagtapos na sa kanilang pag-aaral at mga school heads na sinusunod ng mga IP student.

Para hindi sila mahirapan ay may mga paaralan sa Ilagan City na gumagamit ng ybanag sa kanilang pagtuturo sa kinder hanggang grade 3, espesyal ang curriculum ang ginagamit sa kanila para sila ay makasabay sa aralin.

Nasa kultura rin ng mga IP’s ang maagang pagbubuntis kaya kaya pinapayagan silang mag-aral kahit buntis, mayroon nang asawa at anak.