--Ads--

CAUAYAN CITY- Muling nasangkot sa illegal na droga ang isang laborer na una nang sumuko sa oplan tokhang sa Jones, Isabela.

Ang dinakip ay si Oscar Ruiz,30 anyos, may-asawa at residente ng San Vicente, Jones.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office o IPPO, matapos magsagawa ng anti-criminality operation and implemention sa municipal ordinance ang mga kasapi ng Jones Police Station ay nakita ang suspek kasama ang iba pa na umiinom ng alak at naninigarilyo sa gilid ng daan ng nasabing barangay.

Nakuha sa pag-iingat ni Ruiz ang isang heat sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

--Ads--

Sasampahan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).