--Ads--

CAUAYAN CITY- Kasong murder ang inihahanda ng mga kasapi ng Ramon Police Station laban sa isang lalaking sumaksak na sanhi ng pagkamatay ni Larry Ang, 46 anyos, may-asawa at residente ng Ozcariz, Ramon, Isabela.

Ang suspek ay si Angelito Manuel, apatanapu’t isang taong gulang, may-asawa, magsasaka na kabarangay ng biktima.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Lordwilson Adorio, hepe ng Ramon Police Station na inihahanda na nila ang kasong pagpatay laban sa suspek na kasalukuyan pa rin nilang tinutugis..

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at suspek habang nag-iinuman.

--Ads--

Pauwi na sana ang biktima sa kanilang bahay nang biglang saksakin ni Manuel.

Dinala sa pagamutan si Ang ngunit binawian ng buhay.

Sinabi ni Chief Inspector Adorio na murder ang isinampang kaso laban kay Manuel dahil nakatalikod ang biktima nang kanyang saksakin ng 6 na beses.