--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ang isang bus driver habang nakatakas ang dalawang kasama sa isinagawang drug operation ng mga pulis sa Masaya Sur, San Agustin, Isabela.

Ang inaresto ay si Robert Castillo, 44 anyos, residente ng barangay Santos, San Agustin, Isabela.

sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office, nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng San Agustin Police Station na may magsasagawa ng pot session kaya isinagawa ang operasyon at nahuli sa aktong gumagamit ng droga ang 3 lalaki kasama ang tsuper.

Nang lumapit ang mga pulis ay tumakbo ang dalawa at tanging si Castillo ang naaresto.

--Ads--

Kinapkapan ng mga pulis si Castillo at nakuha sa kanyangbulsa ang isang lighter, isang plastic na bote, nirolyong aluminum foil at isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Dinala sa himpilan ng pulisya si Castillo para sa dokumentasyon at disposiyon at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 ( comprehensive dangerous drugs act of 2002 ) laban sa kanya.