--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang retiradong nurse ang natangayan ng Php700,000.00 ng mga kasapi ng budol budol gang sa Santiago City .

Ang biktima ay itinago sa pangalang Lola Maria, 81 anyos, retired nurse at residente ng Babtista Village, Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lola Maria na isang lalaking nagpakilalang Rey ang biglang lumapit sa kanya at sinabihan siyang kagagaling sa Australia at mayroon siyang pasalubong sa kanya.

Nagtungo ang suspek at biktima sa loob ng nakaparadang itim na sasakyan kung saan naroon pa ang dalawang babae at isang lalaki.

--Ads--

Habang nasa loob ng sasakyan ay may ipinakitang maraming pera ang isang maputi matangkad, magandang at kulot ang buhok na babae .

Hinkayat ang biktima na maglabas ng pera at kung magkano ang ilalabas na pera ay gayundin ang ibibigay na pera sa kanya ng babae.

Matapos magwithdraw ng perang Php700,000.00 si Lola Maria nagpunta siya sa kinaroroonan ng sasakyang nakaparada sa di kalayuan ng bangko kung saan nag-withdraw.

Matapos nito ay ipinakita sa mga suspek ang perang kanyang inilabas sa bangko at binigyan din umano siya ng karagdagang pera na inilagay sa bag at ibinigay sa biktima.

Matapos anya nito ay pinauwi ang biktima ngunit nagulat na lamang ng buksan ang bag na kinalalagyan ng pera dahil puro papel ang laman nito .