--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi na nagsampa ng kaso ang kamag-anak ng namatay na kawani ng Local Government Unit ng San Mateo, Isabela kaugnay sa naganap na aksidente.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa mga kamag-anak ng biktima kanilang sinabi na kahit umano magsampa sila ng kaso ay hindi na maibabalik pa ang buhay ni Arnel Massangge, 27 anyos ng San Mateo, Isabela.

Anila, tinanggap na lamang nila ang iniaalok drayber ng sasakyan na nakabangga kay Arnel na si Randy Catriz, residente ng Conner, Apayao.

Ang magkabilang panig ay nag-usap sa San Mateo Police Station at nangako si Catriz na magbibigay ng tulong pananalapi sa pamilya ng biktima.

--Ads--