--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang dalawang lalaki makaraang tinakbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Balog, Tumauini, Isabela.

Ang mga dinakip ay sina Joel Sevilla at Joel Managuelod, kapwa 36 anyos, habang nakatakas ang nakilala lamang sa pangalang Tots na residente ng Maynila.

Sa nakuhang impormasyong ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, nagsagawa ng anti-crminality checkpoint ang mga kasapi ng Tumauini Police Station nang dumaan ang motorsiklong sinasakyan ng tatlong suspek.

Dahil nakakitaan ng paglabag ang tatlo ay pinahinto ng mga pulis subalit biglang binilisan ang pagpapatakbo sa motorsiklo.

--Ads--

Tumalon ang isa sa mga sakay na si Tots at tuluyang nakatakas habang dinakip naman sina Sevilla at Managuelod.

Nagsagawa ng body search ang mga pulis at nakuha sa pag-iingat ni Sevilla ang isang sachet ng hinihinalang shabu kayat dinala sila sa himpilan ng pulisya at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002) at disobedience to a person in authority.