--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang technical crew habang lima pang kasamahan ang nasugatan makaraang makuryente habang nagkukumpuni  ng  tulay sa Gamu, Isabela.

Sa impromasyong natanggap ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Inspector Richard Limbo, hepe ng Gamu Police Station ang mga biktima ay sina Jimmy Dela Cruz, Rolando Rico, Jomel Espero, Darell Rodriguez, Michael Esquilla, at Reymund Lugutao, pawang technical crew ng Alphatec Chemical Engineering.

Ayon kay Chief Inspector Limbo ang mga biktima ay nag-aayos ng kanilang mga kagamitan na ginamit sa pagkukumpuni ng Gamu Bridge sa barangay Upi ngunit nasagi ng kanilang kagamitan ang isang live wire na dahilan upang sabay sabay silang makuryente.

Kaagad tumugon ang mga kasapi ng DART rescue 831 at isinugod ang mga biktima sa provincial hospital sa Ilagan City subalit idineklarang dead on arrival si Jimmy Dela Cruz habang ang lima pang sugatan ay patuloy pa ring inoobserbahan ang kanilang kalagayan.

--Ads--