--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinikayat ng Cauayan City Health Office ang mga breastfeeding Mommies na lumahok sa kanilang “Hakab na 2018” kasabay ng world breastfeeding Week.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng Nareta Maximo ng Cauayan City Health Office na layunin ng naturang programa na paigtingin ang kanilang kampanya para sa pagpapasuso sa mga sanggol mula zero hanggang anim na buwan.

Itinuturing kasi anya na nakakapagligtas ng buhay ang breastmilk dahil sa kumpleto nitong nutrients.

Tema ngayong taon ng nasabing programa ang “Uso ang pagpapasuso sabay sabay tayo para sa malusog na mundo”.

--Ads--

Bukas araw ng linggo hapon isasagawa ang programa sa isang malaking mall sa Cauayan City kung saan sabay sabay na magpapasuso ng kanilang mga anak humigit kumulang dalawang daang breastfeeding mommies.

Bukod dito ay magkakaroon din ng pagtatalakay kaugnay sa kahalagaan ng breastfeeding at pangangalaga sa sanggol

May mabibigyan rin ng sorpresang giveaways ang mga magulang na maagang magpaparehistro sa kanilang programa.

Katuwang ng City Health Office sa naturang program ang ilang pribadong kumpanya, ilang organisasyon at pamahalaang lungsod kung saan inorganisa ito ng Isabelina Mommies.