--Ads--

CAUAYAN CITY- SA LUNSOD NG SANTIAGO – Pormal nang kinasuhan sa tanggapan ng pisklaya si Guiller Abu, 23 anyos, house boy, residente ng Babtista Village, Calao East, Santiago City.

Si Abu ay dinakip makaraang maaktuhang tangkang gahasain ang isang 15 anyos na biktimang mag-aaral.

Ayon sa biktima dalawang taon siyang ginawang sex slave ng suspek

Palagi umanong tinatakot ng suspek ang biktima ngunit nang magsumbong sa kanyang kasintahan ay nahikayat ang biktima na magsumbong sa mga otoridad upang maisakatuparan ang pagdakip kay Abu.

--Ads--

Nakuha rin ng mga pulis sa pag-iingat ng suspek ang dalawang supot ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Kasong rape in relation to Republic 7610, paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at resistance and disobedience to a person in authority ang isinampang kaso laban sa pinaghihinalaan.