--Ads--

CAUAYAN CITY – Ibinalik sa kulungan ang isang binata na muling nagnakaw matapos makalabas sa piitan dahil sa katulad na gawain.

Napansin ng mga barangay kagawad at tanod na nagroronda ang pagkukumpol ng mga tao.

Nang lumapit sila ay nakita nila na ang lalaking may mga panindang damit at sapatos na pinagkakaguluhan. .

Sinabi ng isang dumaan na tao na magnanakaw at kalalabas sa kulungan ang lalaki na kalaunan ay nakilalang si Rogelio Paburian, 19 anyos, residente ng purok 7, Dubinan East, Santiago City.

--Ads--

Kinausap siya ng isang barangay kagawad ngunit itinanggi ang paratang sa kanya at sinabing galing sa Quirino ang mga dalang paninda.

Gayunman, matapos ang masusing pagtatanong sa kanya ay umamin si Paburian na ninakaw niya ang mga ibinebentang damit sa baratilyo sa harapan ng St James Parish Church, sinamantala niya umano ang malakas na ulan kagabi para magnakaw.

Si Paburian ay kalalabas lang sa kulungan dahil sa katulad na kaso ng pagnanakaw.