--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang magsasaka sa purok 8, Baptista Village, Calao East, Santiago City na kinasuhan ng statutory rape.

Ang inaresto ay si Michael Villamor, 53 anyos, magsasaka ng pinagsanib na puwersa ng Station 1 ng Santiago City Police Office (SCPO) at San Mateo Police Station sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ariel Palce ng 2nd judical region RTC branch 40 Cauayan City na may July 23, 2018.

Sinampahan ng kaso si Villamor dahil sa paratang na panggagahasa sa kanyang anak na 9 anyos na taong gulang noon at ngayon ay 11 anyos na at nasa pangangalaga ng DSWD.

Ang kapatid ng bata ang mismong nagsampa ng kaso sa kanilang ama.

--Ads--

Naganap noon ang panggagahasa sa anak sa Victoria, San Mateo, Isabela kung saan sila nakatira bago lumipat sa Calao East, Santiago City.

Samantala, sa pagsisilbi ng warrant of arrest ay nakuha umano sa bulsa ng akusado ang isang heat sealed transparent sachet ng hinihinalang shabu.