--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip ang isang Ginang ang dahil sa pagbebenta ng illegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-Region 2, Isabela Police Provincial Office Drug Enforcement Unit at Aurora police station.

Isang sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu at isa pa ang nakuha sa ginawang body search sa kanya, Php500.00 marked money at isang cellphone.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang ginang na tokhang responder na hindi nakapagtapos ng Community Based Rehabilitation Program ( CBRP ).

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act o 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

--Ads--

Samantala, isang drug surendrer ang nahuli sa Roxas, Isabela.

Inaresto ng mga kasapi ng Roxas Police Station si Richard Miguel, 47 anyos magsasaka at residente ng Brgy Nuesa, Roxas, Isabela.

Isang sachet ang nakuha sa kanya ng nagpanggap na poseu/buyer kapalit ang Php500.00.

Kakasuha si Miguel ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)