--Ads--

CAUAYAN CITY – Sunod sunod na ang pagsuko sa militar ng mga tagasuporta ng New People’s Army o militia ng Bayan sa lalawigan ng Ifugao dahil sa pinaigting na programa ng pamahalaan para sa kanila.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan kay Capt Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5th ID, karagdagang 17 kasapi ng Militia ng Bayan ang sumuko sa Tinoc Minicipal Hall Poblacion sa Tinoc, Ifugao.

Ito ay makaraang magsagawa ang pamunuan ng 54th Infantry Batallion Phil. Army ng kanilang Enhanced Comprehensive Local Integration Program na dinaluhan ng mga mamamayan sa Tinoc, Ifugao.

Magugunitang dalawampong Militia ng Bayan ang sumuko sa Asipulo, Ifugao noong nakaraang linggo.

--Ads--

Dahil dito nagpasalamat si Major General Perfecto Rimando, Commander ng 5th Infantry Division Phil. Army ang pasasalamat sa pamunuan ng 54th IB at mga local na opisyal ng Ifugao dahil sa pagtulong na mahikayat ang mga NPA maging ng kanilang taga-suporta na sumuko sa pamahalaan.