--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinaga ng isang ama ang kanyang anak sa Santa Fe, NUeva Vizcaya matapos singilin ang kanyang utang.

Ang suspek ay si Alberto Naui, 63 anyos habang ang biktima ay ang kanyang anak na si Alfonso Naui, 30 anyos, kapwa residente ng Baleleng, Santa Fe, Nueva Vizcaya

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Inspector Julie Mejia , hepe ng Santa Fe Police Station na nag-inuman ang mag-ama at matapos ang kanilang inuman ay naalala ni Alfonso ang utang ng kanyang ama na dalawang libong piso.

Dahil dito nagalit ang ama at tinaga niya ng dalawang beses sa ulo ang kanyang anak.

--Ads--

Masuwerte ang biktima dahil hindi malalim ang sugat na kanyang tinamo na agad dinala sa pagamutan.

Pinatawad ng biktima ang kanyang ama at hindi na nagsampa ng kaso.