--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang binatang helper ng isang restaurant sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga pulis Manano, Mallig, isabela.

Ang dinakip ay si Gino Nique, 22 anyos at residente ng Centro dos, Mallig, Isabela.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), ang drug operation ay pinangunahan ni P/Sr. Inspector Loreto Infante, hepe ng mallig police station.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang cellphone at drug paraphernalia.

--Ads--

Sasampahan ang binata ng kasong paglabag sa republic act 9165 ( comprehensive dangerous drugs act of 2002).