--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang manggagawa sa banggaan ng cargo truck at isang motorsiklo sa pambansang lansangan sa Macalaoat, Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay si Ronald Marcos, 28 anyos, manggagawa at residente ng Saranay, Cabatuan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Cabatuan Police Station na binabagtas ng cargo truck na minamaneho ni Reynaldo Urbano, 53 anyos, residente ng San Andres Ilagan City national road sa barangay Macalaoat nang mabangga ang motorsiko na minamaneho ni Marcos na umagaw umano ng linya.
Dead on arrival sa ospital si Marcos dahil sa malalang sugat sa kanyang katawan.

Nasa impluwesniya umano ng alak ang biktima nang ma-aksidente.

--Ads--