--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatanggap ng medalya ng kagalingan ang 10 kasapi ng Ilagan City Police Station sa kanilang isinagawang illegal drug buy bust operation.

Sa naturang operasyon ay nakadakip ng dalawang lalaking pusher na nauna nang itinatanggi ng mga suspek.

Ayon sa Police Regional Office Number 2 (PRO 2) maituturing na malaking accomplishment ang nagawa ng Ilagan City Police Station dahil sa lahat ng illegal drug operations ng nasabing himpilan ay ito ang isa may pinakamabigat na kaso at ito rin ang nakasunod sa panuntunan ng PRO 2.

Nagpapasalamat si Police Supt. Rafael Pagalilauan , hepe ng Ilagan City Police Station sa parangal na kanilang natanggap dahil sa kinikilala ang kanilang nagawa kontra illegal na droga.

--Ads--

Isa si Supt. Pagalilauan na nakakuha ng award kasama ang ilang kasapi ng intelligence at investigation team.