--Ads--

CAUAYAN CITY– Binigyang pagkilala ang Bombo Radyo Cauayan sa isinagawang 1st Quirino-Nueva Vizcaya-Southern Isabela- Ifugao Sandugo Awards ng Department of Health na ginanap sa Highlander Hotel sa Solano,Nueva Vizcaya

ito ay bilang pagkilala sa taunang Dugong Bombo na isinasagawa ng Bombo radyo Phils. na kinabibilangan ng Bombo Radyo Cauayan kung saan malaki ang kontribusyon nito sa daming ng nalilikom na dugo.

Magugunitang humakot ng kahalintulad na parangal ang iba pang mga himpilan ng Bombo Radyo Phils. sa katatapos na Sandugo Awards sa Iloilo ng DOH.

Kabilang sa nauna nang nagawaran ng Sandugo awards ang Bombo Radyo Iloilo, Bombo Radyo Bacolod, Bombo Radyo Kalibo at Bombo Radyo Roxas.

--Ads--

Inihayag ng DOH na malaking tulong ang isinasagawang taunang Dugong Bombo Radyo ng Bombo Radyo Cauayan sa mga kababayan na nangangailangan ng dugo.

Bukod sa Bombo Radyo Cauayan ay kabilang din sa mga nabigyan ng Sandugo Award ang ilang NGOs at LGU’s sa region 2.

Inihayag pa ni Dr Monina Nalupta, manager ng blood services ng Phil Red Cross national headquarter ang kanyang pasasalamat sa Bombo Radyo Cauayan at mga blood donors nito.

Ito anya ay malaking tulong sa mga nangangailangan ng dugo tulad ng mga kinakapitan ng sakit na dengue, cancer, leukemia at iba pa.