--Ads--

CAUAYAN CITY – Dahil sa panggugulo ng dalawang lalaki ay binuhusan sila ng gasolina ng kanilang dating amo sanhi para sila ay magliyab sa barangay Malasin, Maconacon, Isabela.

Sugatan ang dalawang kasapi ng indigenous people o kapwa dumagat na sina Fernando Sesuca, nasa tamang edad, residente ng Dicatian, Divilacan, Isabela at Acorda Cortez na residente ng Dicaruyan, Divilacan, isabela at kapwa laborer.

Ang  suspek  ay si Renato Castillejo , nasa tamang edad na residente ng Malasin Maconacon, Isabela .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Senior Inspector Val Simangan, hepe ng Maconacon Police Station na galing ang dalawa sa Divilacan na lasing umano ang mga biktima nang manggulo sa kanilang kapwa dumagat sa naturang lugar kaya humingi ng tulong sa nasabing suspek.

--Ads--

Ang 2 biktima ay takot umano sa gasolina at para  huminto  sa panggugul ay binuhusan ni Castillejo ng gasolina ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagliyab ang dalawa.

Kaagad na dinala sa pagamutan ang dalawang biktima upang lapatan ng lunas ang first degree burn na kanilang natamo.

Bagamat first degree burn ang tinamo ng dalawang biktima ay malaking bahagi ng kanilang katawan ang nasunog kaya’t kinakailangang ilipat sa pagamutan sa Lunsod ng Tuguegarao para sa karagdagang gamutan.

Inihayag pa ni Senior Inspector Simangan na inihahanda na nila ang kasong double attempted homicide laban sa pinaghihinalaan ngunit ayaw makipagtulungan ng mga biktima.

Ang nais lamang umano nina Sesuca at Cortez ay matulungan sila ng pinaghihinalaan sa kanilang pagpapagamot.