--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagkaloob ng tulong pananaLapi ang Overseas Workers Welfare Administration region 2 sa ilalim ng “balik pinas, balik hanapbuhay program” sa 18 distressed ofws na umuwi sa bansa sa mga nagdaang buwan mula sa Kuwait at Saudi Arabia.

Nagkaloob din ang OWWA ng scholarship grant sa anak ng ofw na si Alma Cristobal na namatay sa Lebanon at financial disability assistance kay Merlie Rivera ng San Mateo, Isabela na naapektuhan ang mga mata sa pagbuhos sa kanya ng mainit na tubig ng amo sa Saudi Arabia.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni OWWA region 2 Officer-in-Charge Luzviminda Tumaliwan na nagkaloob sila ng Php200,000.00 kay Rivera bilang tugon sa pangakong tulong ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sinabi niya na ang mga tulong pananalapi para sa mga OFW mula sa iba’t ibang bayan at lunsod sa Isabela ay ibinigay nila sa tanggapan ng punongbayan sa kanilang lugar upang maipagkaoob sa mga benepisaryo.

--Ads--