--Ads--

CAUAYAN CITY- Tiniyak ng 5th Infantry Division Philippine Army na mapapatawan ng kaukulang parusa ang kasapi ng CAFGU na sumaksak sa kanyang tiyuhing magsasaka sa Progreso, San Guillermo, Isabela.

Ang biktima na nagpapagaling sa pagamutan ay si Danilo Acosta, 38 anyos, magsasaka habang ang suspek ay ang pamangkin na si Jerwin Aquino kasapi ng cafgu, kapwa residente sa nasabing barangay.

Inihayag ni Capt Dante Jimenez, Company Commander ng Delta Company na nakahimpil sa Masaya Sur, San Agustin, Isabela nagkaroon ng bloodletting activity sa bayan ng San Guillermo kaya nagtungo roon ang mga kasapi ng cafgu.

Dahil hindi nakapag-donate si Aquino ay nakipag-inuman na lamang siya sa kanyang tiyuhin habang siya ay naka-duty.

--Ads--

Sa kanilang pag-iinuman ay nagkaroon sila ng alitan kaya umuwi na lamang si Aquino ngunit sumunod sa kanya si Acosta na nagsisigaw at may hawak na kutsilyo.

Tinangka ni Aquino na pakalmahin si Acosta ngunit mas lalong nagalit at siya ay pinagsasaksak.

Dinala sa pagamutan ang biktima habang sumuko si Aquino sa kanilang detachment commander.

Ayon kay Capt Jimenez unang pagkakataon na masangkot sa krimen si Acosta sa 4 na taon na pagiging cafgu sa progreso patrol base.

Gayunman, tiniyak ni Capt. Jimenez na mapapatawan si Aquino  ng kaukulang parusa.