--Ads--

CAUAYAN CITY– Nahaharap ang isang magsasaka sa barangay Usol, Jones, Isabela ng mga kasong Grave threat at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Ang suspek ay si Freddie Reyes, 55 anyos, magsasaka at residente sa nasabing lugar habang ang kanyang biktima ay ang barangay tanod na si Melanio Dela Cruz, residente rin ng barangay usol .

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, nasa impluwensiya ng alak ang suspek nang manggulo.

Tinutukan at pinaputukan ni Reyes ng paltik ang biktima na nakatakbo at humingi ng tulong sa kanilang punong barangay.

--Ads--

Sinundan ni Reyes si Dela Cruz ngunit siya ay hinuli ng mga kapwa barangay tanod ng biktima.

Nabawi sa kanya ang baril na naglalaman ng isang piraso ng bala ng M16 rifle kaya dinala siya sa himpilan ng pulisya at sasampahan ng mga kaso.