--Ads--

CAUAYAN CITY – Malaking tulong sa monitoring sa national security ng bansa ang naideploy ng pilipinas na kauna-unahang Maya- 1 cube sattelite sa kalawakan.

Sa naging exclusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, kanyang sinabi na maliban sa kayang kumuha ng larawan ng mga agricultural crops, kagubatan, ilog at kahit mga pamayanan sa bansa ay malaking tulong din sa isasagawang monitoring sa maaaring banta sa seguridad ng bansa.

Aniya, ikinatuwa umano ni Pangulong Duterte ang naturang satellite matapos nila itong iprinisenta.

Nakikipag-ugnayan na rin a ngayon ang DOST sa National Security Adviser para sa maaaring paggamit sa cube sattelite Maya-1.

--Ads--

Kahapon isinagawa ang launching ng cube sattelite Maya-1 sa pamamagitan DOST at ng University of the Philippines.

Ang cube Maya 1 Satellite ay mayroong kamera at radio na magagamit para sa communication at maaaring mag-orbit ng isang taon at iikot ng apat hanggang limang beses sa loob ng isang araw sa buong Pilipinas.

Sa pamamagitan aniya ng nai-launch na sattelite ay malaking impact ito sa bansa dahil hindi na ito papahuli.

Idinaagdag pa ni Sec.dela Peña na plano pa nilang mag-launch ng isa pang Microsatellite na papangalanan Diwata-2 bago matapos ang taon.