--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagsagawa ang mga sundalo ng information operation on drug awareness and anti insurgency Terrorism sa Tabuk City, Kalinga.

Ito ay pinagtulungang isagawa ng mga kasapi ng Alpha Company ng 5th Civil Military Operations Batallion ng 5th ID , Tabuk City Police Station at Army Reserve Command sa Bado Dangwa National High School.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa Good Morning Philippines military reports, inihayag ni Sgt. Edwin Fernandez ng 5th Civil Military Operation na dinaluhan ito ng 250 high schools students at 14 na guro ng nasabing paaralan sa pamumuno ni Ginoong Melchor Layugan.

Ibinahagi ng kasundaluhan ang sabwatan ng CPP-NPA-NDF sa umanoy mapanglinlang na pagrecruit ng kanilang mga magiging kasapi.

--Ads--

Ibinahagi rin ng kapulisan ang kampanya kontra illegal na droga, kung ano ang magiging masamang epekto ng droga sa kalusugan at pamayanan gayundin kung ano ang kaparusahang ipapataw sa mga nagtataglay, nagbebenta at gumagamit ng illegal na droga.