--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanindigan ang isang mambabatas na dapat na suriing mabuti ang budget o pondo ang Presidential Communications Operations Office (PCOO)dahil sa kapalpakang nagagawa ng nasabing tanggapan pangunahun na ni Asst. Secretary Mocha Uson.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na hindi maiwasan na nadadamay ang PCOO sa mga kapalpakan ni Uson dahil sa Asst. Secretary siya ng nasabing tanggapan.

Sa kabila anya ng mga laganap na kapalpakan sa trabaho at pagpapakalat ng mga fake news ng PCOO ay nadagdagan pa ng 1.3 hanggang 1.5 Billion pesos ang pondo ng nasabing tanggapan na hindi umano nararapat.

Anya hindi rin maaaring zero budget ang maibigay sa PCOO kundi dapat magkaroon ng masusing pagtalakay sa nasabing budget at masusing pagtatanong sa mga pinuno ng PCOO upang maipagtanggol ang kanilang pondo.

--Ads--

Nais din niyang malaman kung saan gagamitin ang mga pondo ng kanilang tanggapan.

Samantala, inihayag pa ni Alejano na nagtataka siya kung bakit hindi madisiplinahan ni Presidential Communications Operations Office o PCOO Secretary Martin Andanar si Asst. Secretary Uson na anya’y maraming mga kapalpakan at fake news na ipinapakalat.