--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi bababa sa puwesto si Mayor Ceasar Mondala ng San Agustin, Isabela kahit isilbi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang tatlong buwang suspension na ipinataw ng Ombudsman dahil sa kasong simple neglect of duty.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mayor Mondala na nag-ugat ang kanyang kaso sa Ombudsman sa natuklasan ng Commission on Audit o COA na magkasunod na expired na resibo ng hotel na tinuluyan ng kanyang back up sa kanyang mga official business sa Metro Manila.

Aniya, may utos noon ang COA na bayaran niya ang nakasaad sa resibo ngunit binawi niya dahil lalabas na ito ay adminission of guilty

Ipinaliwanag ni Mayor Mondala na kailangan niya ng backup sa kanyang official business dahil sa banta sa kanyang buhay.

--Ads--

Sinabi ng mayor na kapag isinilbi ng DILG anumang araw mula ngayon ang suspenson order ng Ombudsman ay hindi siya muna bababa sa puwesto dahil hihintayin niya ang desisyon sa kanyang motion for reconsideration at sa kanyang petisyon sa Court of Appeals na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO).