--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinawi ni House Committee on ways and means Chairman Dakila Cua na walang bagong buwis na maipapataw sa mga bilihin sa kanyang isinusulong na bagong bersyon ng Tax Reform Acceleration and Inclusion law.

SA exclusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Kinatawan Cua ng Quirino na sentro ng kanyang isinusulong na panukala ang paglikha ng mas maraming trabaho.

Aniya kinapapalooban ng bagong bersyon ng TRAIN na tinawag na Tax Reform for Attracting Better and High Quality and Opportunity o TRABAHO ang pagbaba ng Corporate Income rate na mula sa tatlumpong bahagdan na pinakamataas sa South East Asia ay ibababa na ito sa dalawampong bahagdan sa loob ng sampung taon.

Aniya sa pamamagitan nito ay aasahang maraming foreign at local investor ang maglalagak ng kanilang puhunan para sa kanilang negosyo sa bansa na layuning mabawasan ang mga nangingibang bansa para maghanap ng trabaho.

--Ads--

Samantala, inihayag ni Kinatawan Cua na anumang araw ngayong linggo ay tatalakayin na sa plenaryo ang isinusulong na TRABAHO bill.

Aniya, handa naman si Cong, Cua sa anumang katanungan na ibabato ng kapwa mambabatas gayundin ang iba pang mga mungkahi.

Matatandaan na isa ang minority group na nagpahayag ng pagtutol o pagkontra sa isinusulong na TRABAHO billĀ  o TRAIN 2 na nakapasa na sa committee on ways.