--Ads--

CAUAYAN CITY– Humigit kumulang Php3,000,000.00 ang halaga ng dalawang gusali na tinupok ng apoy sa Don Mariano Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SFO1 Bonnie Mangili, fire investigator ng BFP Bayombong, nagpapatuloy pa ang kanilang pagsisiyasat upang malaman ang sanhi ng pagkakasunog ng nasabing gusali.

Anya patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga may-ari ng dalawang gusali.

Pangunahing nasunog anya ay ang mga law books at mga papeles sa notary public office ni dating Gov. Rodolfo Agbayani ng Nueva Vizcaya.

--Ads--

Maliban sa BFP-Bayombong tumulong din ang mga bombero ng BFP sa mga bayan ng Diadi , Bagabag , Solano, Aritao at Quezon.