--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasamsaman ng illegal na droga ang isang magsasaka na nanggugulo at pinagsisigawan ang mga barangay tanod ng barangay Gud, San Isidro na umaawat sa kanya.

Ang dinakip ay si Joey Blangkera, 29 anyos, binata, magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Ang mga barangay tanod na pinagsisigawan ng suspek ay sina Danilo Cayabyab Sr. , Diosdado Ugot at Domingo CariƱo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/ Chief Inspector Joseph Layug, hepe ng ng San Isidro Police Station na ngayon lamang nasangkot ang suspek sa illegal na droga subalit kilala siya sa kanilang barangay na palaging nanggugulo kapag nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.

--Ads--

Lasing umano ang suspek nang manggulo at nagsisigaw kaya’t pinipigilan siya ng mga barangay tanod ngunit mas lalo pang nanggulo.

Dinakip si Blangkera ng mga barangay tanod at dinala sa himpilan ng pulisya subalit nang kapkapan bago dalhin sa kulungan ay nakuha ang itim na pouch sa kanyang tagiliran na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ) laban sa suspek.