--Ads--

CAUAYAN CITY – Mayroon nang lead ang mga alagad ng batas sa panloloob sa bahay ni Cauayan City Councilor Danilo Asirit, retired Police Superintendent at tinangay ang tatlong matataas na uri ng baril.

Ito ay kinabibilangan ng isang AK-47 at dalawang M16 armalite rifle na issue ng pamahalaang Lunsod ng Cauayan.

Natuklasan ni SP Member Danilo Asirit, dating hepe ng Cauayan City Police Station sa kanyang pagdating sa kanilang bahay sa District 1, Cauayan City na nawawala ang tatlong baril at Php50,000.00 na nakalagay sa itim na backpack nakatago sa kanyang kuwarto.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napasok ng suspek ang bahay ni SP Member Asirit sa pamamagitan ng pag-akyat sa likurang gate ng kanyang bahay.

--Ads--

Ang magnanakaw ay nakasuot umano ng itim na jacket, itim na maong pants at itim na sumbrero at positibong kinilala ng testigo sa mga ipinakita sa kanya na mga larawan sa rouge gallery.

Hindi pa ibinubunyag ang pangalan ng suspek residente rin sa Barangay  District 1, Cauayan City.