--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa na ng malalimang pagsisiyasat ang mga kasapi ng San Mariano Police Station sa pamamaril patay sa isang barangay kagawad ng barangay Gangalan, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Fredimer Quitevis, ang hepe ng PNP San Mariano na hindi pa rin makapaniwala ang misis ng biktima matapos barilin sa tabi niya ang asawang si Brgy. Kagawad Mario Pascua.

Pauwi na ang biktima kasama ng misis galing na naki-piyesta nang harangin ng suspek na hindi pa rin nakikilala.

Inaalam na ng pulisya ang mga posibleng motibo sa pagpaslang sa barangay kagawad.

--Ads--