--Ads--

CAUAYAN CITY – Nawawala ang pulis na pinaratangan ng sangkot sa illegal logging sa sa Ilagan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Supt. Rafael  Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station nawawala ang nasabing pulis at hindi na nila ma-contact simula noong naganap ang engkuwentro sa pagitan ng militar at makakaliwang grupo sa Sindon Bayabo, Ilagan City.

Sinabi pa ni Supt Pagalilauan na ang pulis na may ranggong PO2 na hindi pa pinapangalanan na nagdeliver umano ang pulis kasama ang dalawang lalaki ng kanilang mga paninda sa barangay Sindon Bayabo, Ilagan City nang harangin sila ng mga armadong kalalakihan.

Pinababa anya ang dalawang lalaki habang ang pulis at sasakyan ay tinangay ng hindi mabilang na armadong kalalakihan.

--Ads--

Nauna rito ay inamin sa Bombo Radyo Cauayan ng mga kasapi ng Reynaldo Piñon Command ng New Peope’s Army na nasabat nila ang sasakyan ng pulis na umanoy naglalaman ng 3,000 board feet ng kahoy.

Inihayag pa ni Supt. Pagalilauan na noong makita nila ang container van ng pulis ay wala namang laman na mga pinutol na kahoy at kanya pang nilinaw na mga groceries ang laman ng sasakyan na kanyang idini-deliver sa mga grocery store sa Sindon Bayabo, Ilagan City.