--Ads--

CAUAYAN CITY- Inako ng mga kasapi ng Reynaldo Piñon Command ng New People’s Army na nasa kanilang pag-iingat ang pulis na nawala bago ang naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Sindon Bayabo, Ilagan City, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Irraya Carinugan, media officer ng Reynaldo Piñon Command na nasa pangangalaga nila ngayon si PO2 Danilo Maur at nasa maayos siyang kalagayan.

Inihayag pa ni Carinugan na kanilang dinukot si PO2 Maur dahil sa kanilang impormasyon na sangkot ito sa illegal logging at paniniktik.

Tiniyak naman ni Carinugan na n makatao ang kanilang pagtrato sa pulis na itinuturing nilang prisoners of war.

--Ads--

Nauna na ring pinabulaanan ng P/Supt. Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station na sangkot ang pulis na si PO2 Danilo Maur sa illegal logging at ang kanyang negosyo lamang ay nagbibiyahe ng mga paninda sa mga sinusuplyan na na mga tindahan sa Sindon Bayabo, Ilagan.