--Ads--

Pulis na dinukot ng mga kasapi ng NPA, pinakawalan na

CAUAYAN CITY- Pinakawalan na ng kasapi ng New Peoples Army (NPA) ang pulis na kanilang dinukot noong araw ng Huwebes, August 16, 2018 sa Sindon Bayabo, Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo radyo Cauayan kay Irraya Carinugan, media officer ng Reynaldo Piñon Command kanyang inihayag na pinakawalan nila si PO2 Danilo Maur kaninang 6:00 p.m.

Ayon kay Irraya, ipinasakamay na nila sa isang opisyal ng lokal na pamahalaan ang nasabing pulis.

--Ads--

Una nang inihayag pa ni Carinugan na kanilang dinukot si PO2 Maur dahil sa kanilang impormasyon na sangkot siya sa illegal logging at paniniktik.

Nauna na ring pinabulaanan ng P/Supt. Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station na sangkot ang pulis na si PO2 Danilo Maur sa illegal logging at ang kanyang negosyo lamang ay nagbibiyahe ng mga paninda sa mga sinusuplyan na na mga tindahan sa Sindon Bayabo, Ilagan.