--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging inspirasyon ni Geraldine Therese Lim, isang negosyante residente ng oasis condiminum, Ortigas Avenue, Quezon City sa pag-compose ng kanyang kantang “Ikaw na” na isa sa Bombo Music Festival Final 12 ang kanyang kasalukuyang relasyon,

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Geraldine Therese Lim na mula sa napakarami niyang naging relasyon ay ang kanyang kasalukuyang relasyon ang talagang para sa kanya kaya pinagamatan niyang ‘Ikaw na ”.

Na-inspire anya siya sa pag-compose ng mga kanta noong panahon na siya ay depress at puro broken songs ang kanyang naunang ginagawa.

Anya noong galing siya ng abroad ay niloko ng pinagkakatiwalaang kabigan at nawala na parang bola ang pinagpaguran niyang pera…Hanggang sa binigyan anya siya ng kanyang kapatid ng keyboard na sa una ay kanyang tinawanan.

--Ads--

Nahanapan anya niya ang kasiyahan sa pag-composed ng mga kanta at noong mayroong na siyang karelasyon ay naisip niyang kailangang masaya na ang kantang i-composed dahil masaya siya sa kasalukuyan niyang relasyon.

Inihayag pa ni Lim na 5 minutes bago ang 5:00 p.m. noong July 31, 2018 na deadline ng pagbibigay ng mga entries ay naihabol niya ang kanyang kantang “Ikaw Na” sa Lunsod ng Makati.

Ang nag-interpret sa na-compose ni Lim na “kantang ikaw” na ay ang malapit na kaibigang si Winslet Rose Jacot at isang araw lamang nilang ginawa ang interpretation.