--Ads--

SA SAN MARIANO, ISABELA – Nagsisisi ang isang security guard na maraming beses na nagpaputok ng baril sa sementeryo sa barangay San Pablo, San Mariano.

Ang suspek ay si Mike Chester Pangola, 24 anyos, binata at residente ng Bitabian, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Insp. Fredimer Quittevis, hepe ng San Mariano Police Station na mayroong nagsumbong sa kanila ukol sa pagpapautok ng baril sa nasabing barangay,

Kaagad tumugon ang mga pulis at maging sila ay napakinggan ang mga putok ng baril na kanilang sinundan sanhi para madakip ang suspek sa sementeryo ng barangay San Pablo.

--Ads--

Nakitang nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang suspek at hawak hawak ang CAL. 45 baril.

Sinabi ng suspek na ang baril ay pagmamay-ari ng kanyang yumaong ama na dating kasapi ng Phil. Army subalit nang hanapan ng dokumento ay walang maipakitang papeles ng baril.

Inihahanda na ng mga kasapi ng San Mariano Police Station ang kasong illegal possession of firearms at alarm na scandal laban sa pinaghihinalaan.