--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isa sa tatlong lalaking sinita ng isang pulis dahil sa kahina-hinalang kilos sa Santiago City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Supt. Juan Aggasid, City Director ng Santiago City Police Office na kasalukuyang nagsasagawa ng detective patrol si PO2 Christian Espiritu nang makita ang tatlong suspek na mayroong kahinala hinalang kilos.

Dahil dito sinita niya ang tatlo ngunit tinutukan siya ng baril nang isa sanhi para makipagpambuno ang pulis..

Pinagtulungang bugbugin ng tatlong pinaghihinalaan ang pulis sanhi para bumunot ng baril at paputukan ang mga nakalaban.

--Ads--

Pinaputukan ang pulis ngunit hindi pumutok ang baril ng mga suspek.

Natamaan sa bandang tenga ang isa sa tatlong suspek na nagsanhi ng kanyang kamatayan habang nakatakas naman ang dalawang kasamahang sakay ng motorsiklo.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng namatay na .

Dinala sa pagamutan si PO2 Bautista dahil sa tinamong mga pasa sa mukha makaraang bugbugin ng mga suspek.

Nasamsam sa napatay na suspek ang Cal 22 baril at pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa plastic sachet.